rico, yeng at gloc9

NAKAKAALIW ito si Yeng Constantino. Kulay pula ang buhok niya noong huli namin siyang nakaharap, pero last Monday sa presscon ng ICON: The Concert, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa November 21 kasama sina Rico Blanco at Gloc 9, pink na.

Sobrang in love daw kasi ang bride-to-be sa fiancé niyang si Victor Asuncion.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Sobrang relax ako na bride,” say ni Yeng sa presscon.

Hinihintay na lang nina Yeng at Victor ang wedding day nila na February 14, dahil halos tapos na lahat ang dapat ihanda para sa okasyon.

“Noong nag-propose po si Yan (Victor), naghanap na po ako ng pegs na gusto ko, kung ano ang gusto ko na wedding. Wala po akong stress na katulad ng sinasabi ng iba. Hindi po ako talaga mahilig sa details, pero nai-enjoy ko po talaga ang pagbubutinting at pagtingin-tingin ng mga kutingting para sa wedding,” kuwento ni Yeng.

Maging ang listahan ng mga panauhin ay nagawa na rin nila.

“Ang circle ko po kasi talaga ay mga non-showbiz, mga friends ko before (showbiz) noong high school ako. Definitely po, invited po ang mga Kapamilya natin — mga kapatid ko po sa ASAP and sa Star Magic.

“Sa entourage ko po, kasama ko po ‘yung mga best friend ko, mga kabanda ko po dati, at mga kaibigan ko from church,” masayang kuwento ni Yeng.

Bakit February 14 ang napili nilang wedding date?

“Dahil cheesy ako, ha-ha-ha,” kinikilig na sagot ng dalaga. “’Buti nga pumayag siya, eh. Sabi ko, ‘Valentines day na lang’, sabi naman niya, ‘sige.’ Saka para tipid na rin, para sa mga susunod na anniversaries, Valentine’s Day,” dahilan ng singer.

Sa Maldives ang honeymoon nila.

“Ang saya nga kasi talagang pangarap ko ‘yon, one week lang.”

Tatlong anak ang gusto nina Yeng at Yan, at ang dahilan ng Pop Rock Princess: “Kasi ‘pag panganay, espesyal kasi una, ‘pag pangalawa, espesyal kasi gitna at ‘pag bunso, espesyal kasi bunso, ha-ha-ha. Ang hirap kasi ‘pag apat, parang alangan ‘yung sa gitna, di ba, may little child syndrome, feeling nila hindi sila favorite.”

At babae ang gusto nilang panganay, “Babae, kasi limang lalaking magkakapatid sina Yan, so hindi niya na-experience na magkaroon ng little princess. So gusto kong ma-experience niya ‘yun na magkaroon ng baby girl.”

Paano kung puro babae ang maging anak nila?

“Hayun, ang suwerte niya, jackpot siya,” tumatawang sabi.

At kung humirit ng junior si Victor?

“Hindi na talaga, after three ano talaga, kung anuman ‘yung kailangang gawin, gagawin para hindi na masundan. Mas maganda nga kung malalayo ang gap kasi magiging hands-on mom ako.”

At pati ang magiging bahay nila ay nakahanda na rin.

“Bumili na kami ng bahay. ‘Yung condo naming dalawa, bumili rin kasi kami ng isa pa na akala namin ay doon kami titira, eh, hindi pala, so papaupahan na lang namin.”

Samantala, bago namin nilapitan si Yeng para sa solo interview ay kumakanta-kanta siya ng Pangarap Na Bituin kaya ang tanong kaagad namin ay kung nahirapan ba siyang abutin ang mga pangarap niya.

“Well, God made it easy for me, I must say. Ang galing lang ni God kasi nilagyan niya ako ng tamang tao to surround me para ma-reach ko ‘yung dreams ko,” napangiting sagot ng Pinoy Dream Academy Season 1 grand winner.