Mga laro ngayon (Araneta Coliseum):

4:15pm -- Kia vs. Rain or Shine

7pm -- NLEX vs. Barangay Ginebra

Solong liderato ang target ng pinakapopular na koponan ng liga na Barangay Ginebra San Miguel sa kanilang pagtutuos ng NLEX sa tampok na laro ngayong gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyang namumuno habang sinusulat ang balitang ito taglay ang malinis na barahang 2-0, panalotalo, kasalo ng San Miguel Beermen, pupuntiryahin ng Kings ang ikatlong sunod na tagumpay sa pagtatapat nila ng Road Warriors ngayong ika-7 ng gabi matapos ang pambungad na laro sa pagitan ng isa pang baguhang koponang Kia Motors at ng Rain Shine ganap na alas-4:15 ng hapon.

Matapos ang kanilang 20-puntos na panalo kontra Talk ‘N Text noong opening day, 101-81, sunod na ginapi ng Kings sa ikalawa nilang laro ang Kia Sorento ni Congressman Manny Pacquiao sa unang out-of-town game ngayong season na ginanap sa Lucena City noong nakaraang Sabado, 87-55.

Tiyak na aantabayanang muli ang match-up sa pagitan ng mga kabataang big men ng Kings na sina Greg Slaughter at Gilas member Japeth Aguilar sa ageless captain at center ng Road Warriors na si Asi Taulava.

Maliban kina Slaughter at Aguilar, nariyan din para sandigan ni coach Jeff Cariaso sa target nilang ikatlong sunod na panalo sina JR Reyes, isa pang Gilas standout LA Tenorio, Chris Ellis, Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.

Nariyan din ang pag-aabang sa magigiung laro ni Joseph Yeo kontra sa kanyang mga dating kakampi sa Air21 na siya ngayong bumubuo ng core ng Road Warriors na kinabibilangan nina Taulava, Mac-mac Cardona, KG Canaleta, Mark Borboran, Wynne Arboleda at Jonas Villanueva.

Samantala sa unang laro, nakatakda naming maghiwalay ng landas at magunahang makapagtala ng ikalawa nilang panalo ang Sorento at ang Elasto Painters na kasalukuyan ngayong may patas na barahang 1-1, kasama ng Globalport at ng Talk ‘N Text na kasalukuyang lumalaban sa Alaska Aces habang isinasara ang pahinang ito sa Big Dome.

Target ng Kia na makabalik sa winning track matapos mabigo sa kamay ng Kings habang hangad naman ng Rain or Shine na madugtungan ang naitalang unang tagumpay sa ikalawa nilang laban kontra Blackwater matapos nilang mabigo sa unang laro sa kamay ng San Miguel Beermen.