Pinagbawalan ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis ng bansa ang German fiancée ng pinatay na si Jeffrey “Jennifer” Laude habang nahaharap ito sa iba’t ibang kaso.

Sinabi ni Immigration Commissioner Seigfred Mison na aabutin ng halos isang buwan upang madesisyunan ng BI Board of Commissioners ang deportation proceedings laban kay Marc Sueselbeck.

Si Sueselbeck, isang accountant, ay nakunan ng video habang sapilitang inaakyat at pumapasok sa isang restricted area sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Miyerkules kung saan pansamantalang inilagay sa kustodiya ang suspek sa pagpatay kay Jennifer na si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.

Umani rin ng pagbatikos si Sueselbeck matapos nitong tinulak ang mga Pinoy na sundalo na nagbabantay sa pasilidad sa layuning makita si Pemberton.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinababa si Sueselbeck sa isang eroplano na patungong Germany sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo. Kinumpiska rin ng immigration authorities ang pasaporte ng German.

Ayon sa BI spokesperson Atty. Elain Tan, kinasuhan si Sueselbeck ng “undesirability” at iniligay sa watchlist ng ahensiya.

Inatasan din ang banyaga na magpakita sa BI Legal Division upang sagutin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. (Jun Ramirez)