Clown Terror AFP

MELUN, France (AFP)— Isang 14-anyos na nagdamit bilang clown o payaso ang inaresto noong Lunes malapit sa Paris sa pagtatangkang atakehin ang isang babae sa pagkalat ng kakatwang phenomenon ng mga peke, masasamang payaso na tinatakot ang mga dumaraan sa France.

Isa pang teenager sa southern city ng Montpellier ang hinatulan ng apat na buwan sa kulungan sa 30 beses na paghataw ng ironbar sa isang dumaraan noong Sabado ng gabi. Ang kabataan ay nakadamit payaso rin.

Dumagsa ang mga reklamo kamakailan sa “armed clowns” na naghahasik ng katatakutan sa iba’t ibang bahagi ng bansa -- ang ilan ay may mga dalang baril, patalim, o baseball bat – at ilang tao na ang inaresto ng pulisya kaugnay sa bayolenteng trend.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang phenomenon ay nagbunsod din ng anti-clown vigilantism, at napilitan ang mga pulis na makialam na upang mapigilan ang hysteria.

Noong Lunes, isang babae na kalalabas lamang ng kanyang sasakyan sa Chelles, malapit sa Paris, ang nagpasaklolo sa mga pulis nang atakehin siya ng dalawang payaso – ang isa ay armado ng pekeng palakol. Tumakas ang mga ito nang sumaklolo ang isang lalaki na armado ng baseball bat.

Sa isang hiwalay na insidente, ilang oras lumipas, isandosenang katao na nakasuot ng nakangiti at puting maskara na iniuugnay sa Anonymous hacktivist ang sama-samang inatake ang tatlong kabataan sa isang istasyon sa Melun, sa Paris suburbs, ninakaw ng mga ito ang kanilang mga mobile phone, dagdag ng pulisya.

USO RIN SA US AT BRITAIN

Ang phenomenon ng pagdadamit bilang evil clown at pananakot sa mga dumaraan -- nauuso rin sa United States at Britain – ay nagsimula sa hilaga ng France noong unang bahagi ng Oktubre.

Sa bayan ng Bethune, isang 19-anyos ang nakatanggap ng anim na buwang suspended jail term noong nakaraang linggo sa pananakot sa mga dumaraan habang nakadamit-payaso.

Noong Sabado ng gabi, 14 na kabataan ang inaresto habang nakadamit payaso at may bitbit na mga armas sa bayan ng Agde.

Sa Montpellier, sinabi ng isang biktima sa korte na hinabol siya ng isang payaso at sinigawang “give me everything, your telephone, your money, your briefcase,” at idinagdag na simula noon ay nahihirapan na siyang makatulog.