MEXICO CITY (AFP)— Dalawang miyembro ng drug gang ang inaresto noong Lunes sa suspetsang may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ng 43 estudyante mahigit isang buwan na ang nakalipas, sinabi ng top prosecutor ng Mexcio.

Idinetine ng mga awtoridad ang apat na kasapi ng Guerreros Unidos, dalawa sa mga ito ay pinaniniwalaang sangkot sa krimen na ikinagimbal ng Mexico, ayon kay Attorney General Jesus Murillo Karam.

May 56 katao na ang inaresto kaugnay sa pagdukot sa 43 lalaking estudyante sa magulong estado ng Guerrero noong Setyembre. Hindi pa rin nahhahanap ang mga biktima.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente