Walang naitalang krimen ng riding-in-tandem sa Mandaluyong City simula nang ipatupad ang Ordinance 550 noong Setyembre 4, iniulat ng tanggapan ni Mayor Benhur Abalos.

Ayon kay Mr. Jimmy Isidro, tagapagsalita ni Mayor Abalos, nakatulong nang malaki ang nasabing ordinansa kontra mga krimen ng riding-in-tandem at mapanatag ang loob ng mamamayan sa lungsod. Bago ang ordinansa, aabot sa 20 riding-in-tandem crime ang naitala noong nakaraang taon.

Sa ordinansa, mahigpit na pinagbabawalan ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at pinapayagan lamang ang mga babae at batang hindi bababa sa 7 hanggang 10-anyos. May multang P1,000 sa unang paglabag at P2,000 at P3,000 at may pagkakulong sa ikalawa at ikatlong pagkakataon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho