Hinimok ng isang obispo ang publiko laban sa pagpapakalat ng pornographic images at videos sa social media na aniya’y isa ito sa mga dahilan kung bakit nasasalaula ang isipan ng kabataan.

Ayon kay Daet, Camarines Norte Bishop Gilbert Garcera na dapat ay maging responsable sa paggamit ng Internet ang ilan upang hindi malantad ang kabataan sa pornograpiya.

“We also appeal to people who pass on these kinds of materials to stop from doing so. These pollute the minds of people especially our young people that lead to the trivializing of their sexuality which come from GOD,” ani Garcera sa isang pastoral statement.

Pinayuhan rin nito ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak laban sa malalaswang larawan at pornograpiya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinalabas ni Garcera, na dating secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang babala matapos na maging viral sa Internet ang mga maiskandalong larawan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at ng umano’y kalaguyo nito.

Umapela pa ang Obispo sa mga mamamayan na tulungan ang mga mag-asawa na isabuhay ang katapatan at mga pangakong binitawan nang sila’y ikasal.

“We need to pray more for families, especially husbands and wives so that their love and faithfulness will truly be grounded on their faith in the Lord Jesus Christ,” pahayag pa nito.