Limitahin ang pagdadala ng maraming bagahe.

Ito ang panawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na sasakay ng barko papunta sa kani-kanilang probinsya upang gunitain ang Undas.

Sinimulan na kamakalawa ng PCG ang inspeksyon sa mga sasakyang pandagat na bibiyahe upang masiguro ang seguridad ng mga pasahero.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, layunin nilang matiyak na ang mga maglalayag na sasakyang pandagat ay pawang seaworthy para sa kaligtasan ng publiko.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Paalala ni Balilo sa mga pasahero, limitahan ang mga bagahe para mabilis ang kanilang pagsakay at hindi na maabala.

Nagpakalat na ng mga K-9 team ang PCG sa mga barko at daungan para makasiguro na walang makapagpupuslit ng mga ilegal na kontrabado. Naglagay na rin ng help desk para mapagtanungan ng mga pasahero sakaling may kalituhan.

Sapul kamakalawa, kaunti pa lamang ang mga bumibiyahe dahil may mga pasok pa ang ibang kumpanya pero inaasahan na sa Miyerkules ay magsisimula na ang Miyerkules ay pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.