Naninindigan si Justice Secretary Leila De Lima sa pagpigil ng Bureau of Immigration (BI) sa German fiancé ng pinaslang na si Jeffrey “Jennifer” Laude na si Marc Sueselbeck na makaalis sa bansa nitong Linggo.

Ipinagtanggol ang BI mula sa mga batikos, sinabi ni De Lima na tungkulin ng BI na kumpiskahin ang pasaporte ni Sueselbeck dahil sa deportation proceedings laban sa dayuhan sa pagiging undesirable alien nito.

Pero tiniyak ng kalihim sa German, na nilabag ang security protocol sa pasilidad ng militar na kinapipiitan ng suspek sa pagpatay kay Laude na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton at itinulak ang isang tauhan ng Philippine Army, na bibigyan ito ng oportunidad na sagutin ang kasong isinampa laban dito.

“While deportation is supposed to be a summary procedure, we are giving him due process. If we allowed him to just leave, we would not be able to determine if he is really an undesirable alien or not,” paliwanag ni De Lima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod sa deportasyon, sinabi ni De Lima na ang pagkakatukoy kay Sueselbeck bilang isang undesirable alien ay maaaring magbunsod upang mapabilang ito sa blacklist ng BI at hindi na makabalik pa sa Pilipinas.

Aniya, kinailangang isulong ng BI ang deportation proceedings laban kay Sueselbeck sa hiling ng Armed Forces of the Philippines, kahit pa humingi na ng paumanhin ang German sa nangyari.