Ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa sariling bansa ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang napipilitang iwanan ang kanilang pamilya at magtrabaho sa ibayong dagat upang kumita lamang ng pera.

Ayon kay Fr. Resty Ogsimer, executive secretary ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (EMI) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kabila ng pagka-homesick at hirap na nararanasan ay mas pinipili ng mga OFW na manatili na lamang sa ibayong bansa dahil sa kawalan ng kasiguruhan ng buhay sa Pilipinas.

“OFWs often have to choose between starving to death in the Philippines because they’re jobless here or fighting for something that has more promise elsewhere,” paliwanag ni Ogsimer sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pag-aaral ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), may mahigit sa 2.2 milyong OFW ang nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists