BASEL, Switzerland– Sasailalim si Rafael Nadal sa isang season-ending appendicitis surgery sa susunod na buwan, dahilan upang hindi na siya makapaglalaro sa Paris Masters at ATP finals sa London.

Inanunsiyo ni Nadal ang kanyang desisyon noong Sabado makaraang matalo sa 17-anyos na si Borna Coric sa isang sub-par performance sa quarterfinals ng Swiss Indoors sa Basel.

Sinabi niya na siya ay nagdesisyon noong isang linggo na sumailalim sa surgery sa Nobyembre 3 at pagtatapos ng kanyang 2014 season.

“It’s the day to say goodbye to the season,” sabi ni Nadal. “It’s been a very hard year for me, mentally and physically. I’m not going to play Paris and London, I’m not competitive enough for that. I need to do the surgery for my appendix and I need to work on my back.”

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“I need five weeks of rest and I want to have one month to try to work as much as I can to be ready for 2015. The only way to work on being fit is to be healthy. I need to fix all the things in my body first.”

Una nang sinabi ng Paris Masters organizers na nag-pull out na si Nadal mula sa torneo na mag-uumpisa sa susunod na linggo dahil sa “personal reasons.”

Kinailangan ng Spaniard ng treatment para sa appendicitis sa Shanghai nitong buwan. Sa Basel, siya ay naglaro sa kanya lamang ikatlong torneo mula sa Wimbledon, nang paikliin ng isang wrist injury ang kanyang iskedyul.

Ang U.S. Open champion na si Marin Cilic at Ernests Gublis ay umatras na rin mula sa Paris Masters. Si Cilic ay may right-arm injury habang may right shoulder injury naman si Gulbis.