Moira Dela Torre

ISA pang alaga ng Cornerstone Talent Management ang boses sa TVC ng Surf, Imodium, McDonalds, at maraming iba pa, ang pumasok na rin sa music industry, si Moira de la Torre na tubong Angeles City.

“(I’m) very grateful po, finally people get hear it na. My album is an all-original, all songs were written by me, I started writing when I was 13 and I’m 21 now, so these songs are very personal, very kilig,” kuwento ni Moira nang makatsikahan namin kung paano nabuo ang kanyang self-titled album under Ivory Records.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Pamilyar si Moira dahil sumali na siya sa The Voice of the Philippines Season 1 pero hanggang battle round lang siya at napasama siya sa Team Apl de Ap at marami siyang natutuhan na dala-dala niya ngayon.

“Grabe po pala, ang dami kong natutunan sa coaches, doon ko po na-experience ‘yung pinakaunang tikim ko ng showbiz, hindi ko inakalang ganu’n pala ka-trade ‘yung buhay showbusiness, but I saw it, and I learned from it, I learned from the people there and I gained so many friends,” nakangiting kuwento ng dalaga.

Ano ang natutuhan niya kay Coach Apl?

“Marami po, family always comes first and I learned that hardwork always paid off.”

Hindi pa pumapasok sa isipan ni Moira ang pag-arte bagamat karamihan sa singers ngayon ay napapanood na rin sa pelikula at teleserye.

“Siguro wala po siya sa priority ko ngayon but I’m not closing my door,” say ng dalaga.

Musicians ang pamilya ni Moira kaya hindi kataka-takang natuto na siyang magsulat sa edad na 13.

“I grew up with choir with my whole family. My dad is a pastor, I grew up singing in choir every Christmas, and then when I was 12, I became anorexic at kinailangan ko po ng outlet kasi wala akong magawa at ang dami kong ‘tinatago.

“And then I started writing songs and then when I was 13, that’s really started na and became my passion,” kuwento ni Moira.

Hinahangaan niya sina Adele, Taylor Swift, at sa lokal ay sina Yeng Constantino at KZ Tandingan.

Maganda ang timbre ng at masarap sa tenga ang boses ni Moira, easy listening, ‘ika nga, pero mas gusto niyang magsulat kaysa kumanta.

Ang mga awiting laman ng CD light album niya ay Love Me Instead, Be My Fairytale, Happily Ever After, If You Tell Me You Love Me, After Your Heart at Wala Nang Kulang Pa ka-duet ni Sam Milby.