blind item shades

ISA sa naging pinakamabentang celebrity endorser ang aktres na sinasabing nagrereyna-reynahan sa isang TV network. In fairness, effective din namang endorser ang aktres kaya unti-unting bumabalik ang mga kumpanyang dating kumukuha sa kanya.

Pero how true na isa-isa na namang naiimbiyerna sa aktres/TV host ang mga may-ari ng mga produktong iniendorso niya?

Ayon sa source namin, bukod kasi sa mataas ang talent fee ni Aktres ay madalas itong nag-iinarte. May mga pagkakataon daw na tuwing tinatawagan siya for a meeting ay hindi siya sumisipot.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“Naku ‘yan si _____ (aktres/TV host), sobra ang pagpapasensiya sa kanya ng mga may-ari ng produkto. Ewan lang namin kung sino ang may diperensiya, ang aktres ba o ‘yung mga taong namamahala ng career niya,” sey ng source namin.

Tuwing tinatawagan daw kasi ang aktres tungkol sa availability niya for a meeting at sa promo ng iniendorsong produkto ay laging dedma ang kampo nito.

“Kaya ang ending, eh, tinatapos na lang nila ang kontrata ng aktres at malamang pagkatapos ng kontrata niya, eh, papalitan na rin siya,” dugtong pa ng source.

Kasama rin kaya sa mga bibitaw sa aktres/TV host ang isa sa mga produktong iniedorso niya na hindi boses niya ang ginamit?

‘Yun na!