Kit Thompson

ANG kontrobersiyal na si Kit Thompson ang kontrabida sa buhay ni Enrique Gil sa kilig-seryeng Forevermore na nag-umpisa nang mapanood kagabi.

Talent si Kit ng Cornerstone Talent Management na pag-aari ni Erickson Raymundo at siya ang masasabing pinakabunso sa lahat, pero hindi mo iisiping 17 years old pa lang dahil malaking bulas.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Unang napanood si Kit sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan bilang kapatid ni Iza Calzado at sa Galema ni Andi Eigenmann na hinangaang umarte dahil marunong daw.

“New character, a different side of me here (Forevermore) compared to Galema,” kuwento ni Kit. “I’m playing the role of a young entrepreneur, I studied digital brand management sa US, I went to the Philippines because my brother-in-law, tatay (Zoren Legaspi) ni Enrique, ng ex-wife niya. Doon pa lang may conflict na sa recent wife niya (nanay ni Enrique). Ako po ‘yung tutulong sa business ng tatay ni Enrique, magpapalago at magpapayaman sa kanila.”

Ayon kay Kit, pressured silang lahat dahil ang papalitan nilang Ikaw Lamang ay consistent na mataas ang ratings.

“I believe in both of them (Enrique at Liza Soberano team-up). It seems all the veteran actors here are all good and serious, maski si Direk (Cathy Garcia-Molina), gusto niya maganda kaya ilang ulit tini-take kasi gusto niya maganda at lahat kami iyon din ang gusto.”

Naging kontrobersiyal si Kit dahil naging laman siya ng blind items nang manood ng rock concert sa Angeles City, Pampanga kasama ang mga kaibigan, na hindi niya itinanggi.

“I believe naman that we’re all humans, we make mistakes, we go something but in the end, you learned from it and that’s how you get better in life, I guess.”

Simula pala nang mangyari iyon ay hindi nakikita o nakakausap ni Kit ang mga kaibigan.

“No, because my route is condo-Pampanga, I’m into home school now, mga friends ko now ‘yung mga friends ko sa Pampanga, mga ka-subdivision ko now, whom I grew up with. My friends here, sila-sila lang mga kasama ko sa trabaho,” sabi niya.

Natuto na siyang maging mapili sa mga kaibigang sasamahan ngayon.

“Opo, saka hindi rin naman ako masyadong lumalabas, mas maganda na rin na I’m very much focused now of what I’m doing and ‘yun po, I just hope to go up from here,” napangiting sabi ng bagets.

“I just learned to balance everything of what I’m doing, make wise decisions, think about it over and over again. I don’t get myself like what I used to do before. I was like a lost kid here in Manila, like trying to find my way, trying to find friends, trying to make everyone happy. But it’s wrong, I should make myself happy,” aniya sa mga natutuhan niyang leksiyon dahil sa nangyari.

May sinisisi ba siya sa nasuungan niyang kontrobersiya?

“I can’t say na mali, like I said, we’re all human, fair share mistakes, we do all same thing, there’s no one to blame, honestly.”