Oktubre 28, 1955 isilang sa Seattle, Washington sa Amerika si Bill Gates, isa sa mga nagtatag ng Microsoft Corporation.
Kasama si Paul Allen, itinatag ni Gates ang Microsoft, na kilala sa operating system nitong Windows at sa office suite productivity software nito.
Nakilala ang kumpanya nang ikomisyon ito ng IBM (International Business Machines) para gumawa ng bersiyon ng CP/M operating system, na kalaunan ay ginamit sa mga sumunod na IBM Personal Computer (PC)/Disk Operating Systems (DOS).
Kilala bilang isa sa pinakamayayaman sa mundo, abala si Gates sa pagkakawanggawa at regular na nagdo-donate ng malalaking halaga sa iba’t ibang charitable institution. Nagkakaloob din siya ng pondo para sa iba’t ibang scientific research program sa pamamagitan ng Bill & Melinda Gates Foundation.