Nanawagan si Senador Sonny Angara sa agarang pagpasa ng batas na magbibigay ng credit assistance sa mga overseas Filipino worker (OFW) upang hindi na sila mangutang sa mas mataas ang tubo.

Ayon kay Angara, malaking tulong ito sa OFWs para mabayaran ng mga ito ang kanilang recruitment fees at iba pang obligasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sakaling maging batas, maaari nang mangutang ang OFWs ng P50,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para maitustos sa kanilang mga pamilya, pambayad sa recruitment agencies, documentation at maging sa plane tickets.

Ang utang ay mababayaran sa loob ng isang taon na may interes lamang na hindi hihigit sa anim na porsiyento.

Kung sakaling hindi makababayad, pansamantalang hindi ibibigay ang kanilang Overseas Employment Certificate (OEC) at iba pang exit permit.

Papatawan naman ng 60 araw na suspensiyon ang sinumang kawani ng gobyerno na magbibigay ng exit permits.

Pumasa na ito sa Senado habang nasa ikalawang pagbasa naman ito sa Mababang Kapulungan at umaasa si Angara na maaaprubahan na ito ngayong linggo.