Jason Abalos

HINDI pa komportable ang kasintahan ni Jason Abalos na si Vickie Rusthton sa mga napapanood niyang daring na eksena ng aktor sa seryeng Two Wives.

“Si Vickie naman po, ever since napaka-supportive naman po niya,” sabi ni Jason. “Alam niya naman po ‘yung trabaho ko. Ngayon po kasi, medyo nakakapag-usap na kami sa lahat ng bagay kaya mas nagkakaintindihan na kami sa mga ginagawa ko bilang artista.”

Kuwento ni Jason, sinusubaybayan ni Vickie ang Two Wives at kung minsan ay may mga komento ito, lalung-lalo na sa mga seksing eksena niya. Hindi lubusang ikinatutuwa ni Vickie ang mga eksena niyang nagpapaseksi.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sa naturang serye kasi ay pinag-aagawan si Jason nina Kaye Abad bilang si Yvonne (tunay na asawa) at Erich Gonzales bilang Janine (mistress).

Hindi inaasahan ni Jason na darating sa kanya ang project na ito ng ABS-CBN.

“Hindi ako sanay d’yan,eh,” sey ng aktor.

Pero nasasanay na ngayon si Jason. Ayon na rin sa kanya, kung lagi na niyang ginagawa, unti unti naman niyang nakakasanayan, huh!

Sanay na siya sa pagganap na may two wives. Pero paano ‘yan, may third wife pa pala na nagbabantay?