NAGPAHAYAG ng ibayong suporta kontra droga si Antipolo City Mayor Jun Ynares III upang lalong mapalakas ang kampanya laban sa illegal drugs sa lungsod. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Ynares sa ginanap na unang meeting kamakailan ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC). Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares III, saklaw ng kanyang suporta laban sa illegal drugs ang tulong ng pamahalaang lungsod sa mga proyekto sa rehabilitasyon upang lubos nang matigil ang mga illegal drug operation sa lungsod. Kaugnay nito, ipinahayag din sa pulong ni Mayor Jun Ynares na sinumang pulis na makahuli ng pusher at iba pang sangkot sa illegal drugs, nasampahan ng kaso sa korte at walang piyansa ay tatanggap ng P100,000 pabuya mula sa pamahalaang panglugsod.
Bukod kay Mayor Jun Ynares na Chairman ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC),dumalo rin sa nasabing meeting sina Police Supt. Arthur Msungsong, hepe ng Antipolo City Police at ACADAC vice chairman; Retired Col. Rolando Velicaria, ACADAC Secretariat; Dr. Merthel Evardome, OIC Division Superintendent ng DepEd Antipolo; Prosecutor Mario Rosario Luna, Dra Concepcion Lat, City Health Oficer; Pastor Butch Singson at mga miyemro ng ACADAC.
Sa report ni Supt Arthur Masunsong sa meeting, sinabi niya na may 159 anti-illegal drug operation na ang isinagawa ng Antipolo PNP at dito’y 117 ang naaresto na mga drug user kabilang ang 13 menor de edad. May 28 katao rin ang naaresto at nakasuhan ng illegal drug pushing o pagbebenta ng droga mula noong Enero hanggang Setyembre 30, 2014.
Naglunsad ng Inter-town Christmas Tree-Making and Town Hall Decorating Competition ang Rizal Tourism Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang contest ay bukas sa 13 bayan at isang lungsod sa lalawigan. Nakaugnay ang timpalak ay sa Ynares Eco Systemn (YES) To Green Program ng provincial government at flagship project ni Rizal Governor Rebecca Nini Ynares Ang tema ng timpalak ay “Yes na Yes sa Paskong Makulay at Malinis”. Isa sa mga tuntunin at mechanic ng timpalak ay recycled materials ang gagamitin sa paggawa ng Christmas Tree at dekorasyon ng Town Hall. Ang pagsisindi o pagbubukas ng mga ilaw ng mga Chrstmas Tree ay sabay-sabay na gagawin sa Nobyembre 3 ganap na 7:00 ng gabi.