Magiging mas madali na ang pagpaparehistro ng mga nais makaboto sa halalan kasunod ng proyekto ng Commission on Elections (Comelec) na gawing online ang proseso.

Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, sa pamamagitan ng sistemang ‘iRehistro’, maaari nang mag-fill up at magsumite ng forms online ang mga magpaparehistrong botante.

Aniya, layunin ng naturang online service na gawing mas madali ang registration at validation ng aplikasyon ng mga botante.

Matapos ang online registration ay kinakailangan pa ring magtungo ang botante sa Comelec office para makuhanan ng biometrics data.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tiniyak naman ni Guia na walang dapat ikatakot sa seguridad sa mga impormasyong ilalagay sa online forms dahil ligtas, aniya, ito.

Sinabi pa ng komisyuner na available pa lang ang iRehistro sa Metro Manila, at sa Madrid sa Spain para sa mga overseas absentee voter, ngunit plano ng Comelec na ipatupad ito sa buong bansa.

Target ng Comelec na makapagrehistro ng tatlong milyong bagong botante hanggang matapos ang registration sa Oktubre 2015.