Maghahain ng mosyon sa Court of Appeals (CA) ang legal officer ng pamahalaang lungsod ng Caloocan upang kuwestiyunin ang legalidad sa kaso ng grupo ni Vice Mayor Maca Asistio III, kasama ang ilang konsehal, na ipinaaaresto ngayon ng korte kaugnay ng usapin sa lupa.

Ayon kay Legal Officer Michael Arthur Carmina, nagpalabas na ng warrant of arrest si Judge Dionisio Sison, ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125, para kay Asistio at sa ilang konsehal ng lungsod.

Ang arrest warrant, na may petsang Oktubre 13, ay kaugnay ng hindi umano pagbabayad ng City Council ng P47 milyon sa developer para sa socialized housing project ng pamahalaang lungsod noong 1996, nang si Rey Malonzo pa ang alkalde ng siyudad at konsehal naman sa ikalawang distrito si Asistio.

Pinagbabayad ng local court ng P134 milyon ang pamahalaang lungsod, pero iginiit ng konseho na P102 milyon lang ang dapat nilang bayaran.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hiniling din ni Carmina na babaan ang piyansa ng grupo ni Asistio. - Orly L. Barcala