Magbabayad na ang Amerika ng P87 milyon halaga ng danyos sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef sa Palawan ng pagsadsad ng US Navy Minesweeper noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, matapos siyang pormal na makatanggap ng mensahe mula sa Amerika kaugnay ng nasabing pagbabayad.

Matatandaang Enero 2013 nang sumadsad ang US Minesweeper ng US Navy sa Tubbataha Reef, na isang UNESCO Heritage Site, at napinsala ang 2,000-metro kuwadrado ng coral reef.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill