Hindi holiday ang Oktubre 31, 2014.

Nilinaw ng Malacañang nitong Sabado na workday pa rin sa Biyernes, Oktubre 31.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na ang Oktubre 31 ay hindi bahagi ng listahan ng mga holiday na inaprubahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Aquino noong nakaraang taon ang Proclamation No. 655 na nagdedeklara sa Nobyembre 1, 2014, Sabado, bilang special non-working day upang gunitain ang All Saints’ Day. Linggo, Nobyembre 2, naman ang Araw ng mga Kaluluwa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang iba pang regular holiday ngayong 2014 ay: Nobyembre 30, Bonifacio Day (Linggo); Disyembre 25, Pasko (Huwebes); at Disyembre 30, Rizal Day (Martes).

Kabilang naman sa mga natitirang special non-working holiday ngayong taon ang Disyembre December 24, Bisperas ng Pasko (Miyerkules); Disyembre 26 (Biyernes); at Disyembre 31, Bisperas ng Bagong Taon (Miyerkules).

Samantala, sinabi rin ni Coloma na muling mag-iinspeksiyon si Pangulong Aquino sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan bago mag-Undas.