BAHAGI ng pagdiriwang ng ika-75 taon o Diamond Jubilee ng Quezon City ang pagpirma sa isang memorandum of agreement ng MTRCB chairman na si Atty. Eugene Villareal at ni Vice Mayor Joy Belmonte para magkaroon ng QCinema International Film Festival.

Napagkasunduan ng MTRCB at ng Quezon City Film Development Commission na pinamamahalaan ng bise alkalde ng Kyusi ang pagkakaroon ng film festival sa siyudad.

“Dito po ay binibigyan namin ng pahintulot ang komisyon na makapagsagawa, mag-self-regulate o sila mismo ang susuri sa mga pelikula na ipalalabas sa festival ng QC. Ito ay kauna-unahan sa isang LGU na dahil nga ang MTRCB ay nasa QC,” lahad ni Atty. Villareal.

Binigyang-diin naman ni Vice Mayor Belmonte na kilala ang QC bilang City of Stars at child-friendly city, kaya pahahalagahan sa mga pelikulang sasali sa QCinema International Film Festival ang tungkol sa kabataan gayundin ang ibang mga mamamayan na kapupulutan ng mga aral at pakinabang sa pamumuhay ng mga taga-lungsod.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Naniniwala po tayo na ang pagpapaunlad pa ng ating sining at kultura ay may malaking maitutulong sa pagpapayaman pa ng ating kalinangan at mentalidad na magagamit sa ating pamumuhay, at ito po ay magbibigay ng pantay-pantay na pagkilala sa bawat mamamayan at magtataas sa antas ng ating lipunan,” saad ni VM Joy.

Dagdag pa ni VM, gagawin nilang libre ang pagpapalabas ng mga pelikulang kasali sa naturang film festival na tatampukan ng local at foreign filmmakers -- baguhan at beterano -- at ipapalabas sa Trinoma Cinemas, simula November 5 hanggang November 11.

Di ba, MTRCB member Gladys Reyes?