TEHRAN, Iran (AP) – Binigti ng Iran ang isang babae na hinatulan sa pagpatay sa lalaking ayon sa kanya ay nagtangkang halayin siya.

Iniulat ng IRNA news agency na binigti si Reyhaneh Jabbari noong Sabado ng madaling araw dahil sa premeditated murder. Binalewala ng korte ang akusasyon ni Jabbari na attempted rape at sinabing lahat ng ebidensiya ay nagsasabing pinlano ng 27-anyos na babae na patayin sa saksak si Morteza Abdolali Sarbandi noong 2007.
National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'