Dinadalaw at inaalayan ng bulaklak ang mga namayapang endangered species at sa Pavilion (larawan sa itaas) ng Fish Cemetery ay naka-display at malayang mapag-aralan ang kalansay ng balyenang si Moby Dick

Rest In Fish

Sinulat ni LIEZEL BASA IÑIGO
Mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA
TRADISYON nating mga Pilipino ang pagdalaw sa puntod ng ating mga mahal sa buhay tuwing Undas o Araw ng mga Kaluluwa tuwing Nobyembre 1.

Sa Dagupan City, Panga-sinan, nagiging tradisyon na rin ang pagtungo sa isang sementeryo, pero hindi sa tao, kundi libingan ng mga isda (sea mammals) na itinayo noong Pebrero 1999, na kung tawagin ay Fish Cemetery.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Itinuturing ang Fish Ceme-tery na ito bilang pinakauna hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Mahigit sa 24 endangered mammals ang inili-bing at nilagyan ng lapida, mula nang gawing libingan ang 40 square meters na lupain, na matatagpuan sa may 24 ektar-yang sakop ng National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Fisheries and Aqua-tic Resources (BFAR) sa Barangay Bonuan Binloc.

Sapul nang itayo ito, tuwing sasapit ang Undas ay nakaugalian na ng BFAR ang pag-estima sa mga taong nagtutungo rito para magbigay pugay sa mga namatay na endangered species ng karagatan. Kaya ngayong nalalapit na ang Undas, abala uli sila sa pag-aasikaso sa mga puntod dito.

Pero hindi lamang tuwing Undas dinadayo ang lugar na ito, maging sa mga ordinaryong araw ay sentro ito ng “lakbay aral” ng mga estudyante, fish conservationists o simpleng nature lovers at mga turista, para alamin ang kasaysayan ng bawat isdang nakalibing dito.

Ang Fish Cemetery ay kinonsepto ni Dr. Westly Rosario, chief ng NIFTDC, nang ipa-ubaya sa kanya ng BFAR-Manila na ilibing sa kanyang lugar ang giant sperm whale, na may bigat na 1.2 tonelada, na namatay sa Malabon City. Sa laking 320 centimeters at bigat nito, isinakay ito sa long trailer truck patungong Dagupan City at ibinaba, hanggang sa ilibing gamit ang crane.

Ang giant whale ay tinawag ni Dr. Rosario sa pangalang Moby Dick, mula sa sikat na libro ni Herman Merville na ginawang pelikula. Wala pa sa isip niya noon na magiging sementeryo ang lugar na ito, pero nang magkasunud-sunod na may namatay na sea mammals na sa kanya ipinamamahala ang paglili-bing ay naisipan na niyang gawin na itong sementeryo ng mga isda.

Sa pagkakatatag sa Fish Cemetery ay may kaakibat na mensahe si Dr. Rosario para sa publiko, na dapat bigyan ng proteksiyon at panatili-hing malinis ang ating kapa-ligiran para sa mga nalalabi pang endangered fish species sa karagatan, dahil sila ay kakaunti na lamang.

6-150x150 10-150x150 5-copy-150x150