Bergman vs Fajardo

Mga laro sa Miyerkules: (Cuneta Astrodome)

2 p.m. — Mane ‘N Tail vs Foton (W)

4 p.m. — Cignal HD vs Petron (W)

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

6 p.m. — PLDT vs Cavite (M)

Itinala ng All-Filipino Conference runner-up RC Cola Air Force ang ikalawa nilang sunod na panalo matapos itakas ang 25-20, 25-23, 18- 25, 27-25 iskor kontra sa Generika sa pagpapatuloy ng mainit na aksiyon sa 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na dumayo sa Sto. Domingo Coliseum sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Una dito, binigo naman ng Petron Blaze Spikers para sa ikalawa rin nilang sunod na panalo at pagsalo sa liderato ang Mane ‘N Tail, 21-25, 25-16, 25-21, 29-27 sa naging maigting na salpukan na pinanood ng halos nag-uumapaw na mga Ilokano.

Pinamunuan ng Amerikanang si Emily Wise ang RC Cola sa tinipon nitong 22 puntos habang nag-ambag naman si Joy Cases ng 21 puntos para sa Raiders na napaangat ang rekord sa 2-1 (panalo-talo) matapos na unang mabigo sa pagbubukas ng liga kontra sa Cignal, 17-25, 23-25, 23-25.

Ipinaliwanag naman ni RC Cola coach Rhovyl Verayo, na siyang itinalaga ng Philippine Air Force na hawakan ang koponan isang buwan bago ang liga, na naiwaksi na nila ang nakakagulat na kabiguan.

“Lahat kami nabigla talaga sa game na ‘yun,” sinabi ni Verayo. “Kaya ngayon nood muna ako, tingin ako ng laro nila para pagdating ng laban kahit konting puntos lang may maibigay ako sa team,” pahayag nito.

Nagtala ang import ng Generika na si Miyu Shinohara ng anim sa pitong service aces habang si Natalia Korobkova ay may 31 puntos para sa Life Savers na nagposte ng 27 errors upang mahulog sa ikalawang sunod na kabiguan.

Lumabas naman ang tunay na lakas ni Dindin Santiago matapos na isalba sa kanyang krusyal na dalawang quick spike sa ikaapat na set ang Petron Blaze Spikers upang kapitan ang liderato kasama ang walang larong Cignal.

Hindi nasandigan ang matangkad at open hitter nilang import na si Alaina Bergsma na galing sa trangkaso, iniahon ng No. 1 draft pick na si Santiago mula sa pagkakaiwan sa limang puntos ang koponan bago inagaw ang panalo sa Mane ‘N Tail na nahulog sa ikalawang sunod na kabiguan.

Ilang beses nagtabla ang dalawang koponan sa ikaapat na set, ang huli ay sa 26-all, bago patusok na pinalo ni Santiago ang bola para sa 27-26 iskor at saka pinuwersa ng Blaze Spikers na magkamali ang atake ni Stallions import Kristy Jaeckel mula sa backline attack na lumabas ng linya upang tapusin ang laban sa loob ng mahigit na 2 oras.

Humataw si Bergsma ng 25 puntos, 3 block at 4 service aces, nag-ambag si Aganon ng 15 at si Santiago ay may 11 puntos.

Napantayan naman ni Jaeckel ang pinakamataas na iskor na ipinoste ni Santiago sa una nilang paglalaro sa liga na kabuuang 37 puntos ngunit hindi ito nakatulong sa Mane ‘N Tail na nahulog sa ikalawang sunod na kabiguan.