MURSITPINAR, Turkey (AP) — Isang bagong alegasyon ang lumutang ng paggamit ng Islamic State ng mga chlorine bomb sa mga pag-atake sa Iraq at Syria.

Sinabi ng mga opisyal sa Iraq na gumamit ang mga militanteng Islamic State ng chlorine gas sa pakikipaglaban sa security forces at Shiite militiamen noong nakaraang buwan sa hilaga ng Baghdad. Kapag nakumpirma ang mga balita, ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng Sunni extremists na gamitin ang chlorine simula nang makubkob nila ang malaking bahagi ng Syria at hilagang Iraq nitong unang bahagi ng taon.

Inilabas ang mga pahayag sa Iraq dalawang araw matapos sabihin ng Kurdish officials at mga doktor na naniniwala silang nagpakawala ang mga militanteng IS ng ilang uri ng toxic gas sa silangang distrito ng Kobani. Binanggit ni Aysa Abdullah, isang senior Kurdish official na nakabase sa bayan, na naganap ang pag-atake noong Martes ng gabi at ilang tao ang nakaranas ng mga sintomas ng pagkahilo at pagluluha ng mata.

Sinabi ni U.S. Secretary of John Kerry na hindi niya makumpirma ang alegasyon ng mga Iraqi na ginamit ang toxic gas laban sa security forces at Shiite militia, ngunit tinawag na “extremely serious” ang mga akusasyon. Sinabi niya na ang chlorine ay maituturing na chemical weapon kapag ito ay hinalo sa iba pang toxic agent.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“The use of any chemical weapon is an abhorrent act,” ani Kerry sa isang news conference sa Washington. “It’s against international law. And these recent allegations underscore the importance of the work that we are currently engaged in.”