GAUHATI, India (AP) – Inihayag ng pulisya na siyam na katao ang nasawi nang isang pampasaherong bus na bumiyahe nang magdamagan sa liblib na hilagasilangan ng India ang bumulusok mula sa tulay at dumiretso sa bangin.

May 28 iba pa ang nasugatan at inala sa ospital.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad kung ano ang nagbunsod sa aksidente na nangyari dakong 2:00 ng umaga malapit sa bayan ng Kaliabor sa estado ng Assam.

Bilang asawa at public servant: Lani Revilla, nanawagan ng katarungan, respeto sa due process