Eeksena na ang mga eksperto sa batas.

Matapos kuhanin ang opinyon ng mga opisyal ng national defense at security noong nakaraang linggo, inaasahang pakikinggan naman ng Ad Hoc Committee ng Kongreso ang posisyon ng mga legal expert tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ngayong linggo.

Kinumpirma noong Sabado ni Committee chairman at Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na inimbitahan ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema, mga deans of law at iba pang legal luminaries para sa susunod na bahagi ng panel hearing bago mag-recess ang Kongreso sa pagtatapos ng buwang ito.

“We will continue hearings (sa Kongreso) on October 28 and 29 where we will be hearing on the Constitutionality of BBL from former Justices of the Supreme Court, law deans and legal luminaries,” saad sa text message ni Rodriguez.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Ang BBL ay resulta ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na nilagdaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Marso 27, 2014.

Sa bisa ng BBL, lilikhain ang Bangsamoro juridical entity, na inaasahang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kaugnay nito, sinabi ni Rodriguez, na naging matagumpay ang public consultation ng panel sa ilang bahagi ng ARMM noong nakaraang linggo.

“(We had) successful public hearings from October 22-24 in Upi, Maguindanao, Cotabato City, Tacurong City, Sultan Kudarat, Koronadal City, South Cotabato and General Santos City,” aniya. - Ellson A. Quismorio