Liza Soberano

CURIOUS kami kung paano pa makakapasok sa eskuwelahan ang ibang cast ng Forevermore tulad ni CJ Novato na second year sa kursong Electronics and Communication Engineering sa De La Salle University kasama si Marco Gumabao sa kursong Business Administration naman, ang kambal na sina Jai at Joj ay nasa UP Diliman sa kursong BS Psychology (pre-med) at BS Marketing dahil mananatili sila sa Baguio City ng ilang buwan.

Gagawan daw nila ng paraan or ‘yung iba ay hindi muna mag-e-enroll since semestral break na.

Wala namang problema kay Kit Thompson dahil home school siya at hindi namin natanong sina Igy Boy Flores at Yves Flores kung pumapasok sila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang lead actress nila na si Liza Soberano ay aminadong hindi nag-aaral ngayon pero tapos na siya ng high school.

“Plan ko po talagang mag-enroll sana this school year, I want to take BS Political Science kasi gusto ko pong maging lawyer.

“‘Kaso po, biglang dumating ‘tong offer ng Forevermore, eh, big project at saka pangarap ko po talaga ito, so hindi muna ako nag-enroll, saka kailangan ko rin pong mag-ipon to support my studies.

“Pangarap ko po talagang makatapos ng pag-aaral, promise ko ‘yan sa sarili ko, ayoko pong tumanda nang hindi nakatapos,” tiyakang sabi ng batang aktres.

At natawa kami dahil nang magtanong kami kung hanggang kailan ang Forevermore ay buong ningning na sumagot si Kit Thomson ng, “Hanggang April po.”

Nagulat ang ibang cast dahil hindi raw nila alam kung hanggang kailan ang takbo ng serye nila kaya sabay sabi kay Kit, “‘Buti ka pa alam mo, kami hindi namin alam.”

Katwiran ng taklesang alaga ni Erickson Raymundo, “Eh, kasi nabasa ko sa kontrata ko ‘til April, eh. Mali ba?”

Sinalo naman ng taga-Star Creatives, “Usually po, four (4) months naman ang itinatakbo ng serye, one season po, so baka po ma-extend, open naman po.”

At ang sabay-sabay na sabi ng buong Forevermore cast, “Sana nga po magtagal, sana dire-diretso na, sana parang Be Careful With My Heart na almost two years para masarap, makakaipon kami.”

Oo nga, why not, hindi naman imposibleng umabot sa dalawang taon ang Forevermore, ‘di ba, Bossing DMB?

(Namasdan ko ang production nila sa pamumuno ni Direk Cathy Garcia-Molina sa Tuba, La Trinidad, Benguet nang dumalaw kami last week, masaya at ganado lahat, so posible nga! --DMB.)

At pag nangyari ‘yun, tiyak mabibili na ni Liza ang bahay at kotse na base sa kasunduan nila ng manager niya.

Anyway, mapapanood na simula ngayong gabi ang Forevermore na kapalit ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN.