DAVAO CITY – Isang magnitude 5.0 na lindol ang naramdaman sa bayan ng Talacogon sa Agusan del Sur dakong 6:52 ng gabi noong Sabado, ayon sa Philippine

Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang epicenter ng lindol ay natukoy 10 kilometro timog-silangan ng Talacogon, may lalim na 26 kilometro at tectonic.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Intensity 5 ang naramdaman sa Talacogon, intensity 4 sa La Paz, intensity 3 sa Bayugan City at San Francisco, at intensity 2 sa Butuan City.

Inaasahan ng Phivolcs ang aftershocks habang patuloy na nag-iinspeksiyon ang awtoridad para alamin kung may napinsala sa pagyanig.

Samantala, isa pang magnitude 4.8 ang yumanig naman sa baybayin ng Tarragona sa Davao Oriental dakong 12:36 ng umaga kahapon.

Nasa 166 kilometro ng silangan ng Tarragona ang epicenter ng lindol na tectonic at may lalim na 23 kilometro. Alexander D. Lopez