Ang pinakamabagsik na outbreak sa talaan ng Ebola virus ang nagtulak sa ilang bansa na maglabas ng travel ban, sa pagtatangkang masupil ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Tutol ang World Health Organization sa anumang pangkalahatang pagbabawal sa biyahe o kalakalan sa mga bansa sa West Africa na apektado ng epidemya. Ang tatlong bansa na pinakaapektado ng virus ay ang Guinea, Liberia at Sierra Leone. Mayroong maliit na bilang ng mga kaso kapwa Senegal at Nigeria, ngunit idineklara ng WHO na Ebola-free ang Senegal noong Oktubre 18 at ang Nigeria noong Oktubre 20.

Ang sumusunod ay ang listahan ng mga travel ban na ipinatupad ng iba’t ibang bansa: Zambia, Aug. 9: Ipinagbabawal ang mga biyahero mula sa mga bansang apektado ng Ebola virus Kenya, Aug. 16: Ipinagbabawal ang mga biyahero mula Liberia, Guinea at Sierra Leone.

South Africa, Aug. 21: Hinihigpitan ang pagpasok ng mga non-citizen na nagmula sa Guinea, Liberia o Sierra Leone; maaaring alisin ang paghihigpit para sa “absolutely essential travel.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gabon, Aug. 22: Hinihigpitan ang pagbibigay ng entry visa sa mga biyahero mula sa Guinea, Liberia, Sierra Leone at Nigeria depende sa bawat kaso.

Rwanda, Aug. 22: Ipinagbabawal ang mga biyahero na bumisita sa Guinea, Liberia, o Sierra Leone sa nakalipas na 22 araw.

Senegal, Aug. 22: Ipinagbabawal ang paglipad ng mga eroplano mula at patungong Guinea, Sierra Leone at Liberia. Isinara rin nito ang southern land border sa Guinea.

Ivory Coast, Aug 23: Isinara ang mga land border sa Guinea at Liberia. Muling binuksan ang mga hangganan nitong unang bahagi ng Oktubre.

Seychelles, Aug. 26: Ipinagbabawal ang mga biyahero na bumisita sa Sierra Leone, Liberia, Nigeria at Democratic Republic of Congo “for any length of time.” Pinagbabawalan din ang mga mamamayan ng Seychelles na bumiyahe sa Sierra Leone, Liberia, Guinea, Nigeria o Democratic Republic of Congo, maliban kung pahihintulutan ng Public Health Commissioner.

Guyana, Sept. 9: Itinigil ang pagbibigay ng visa sa mga mamamayan ng Guinea, Liberia, Sierra Leone at Nigeria. Inanunsiyo ang pagbabawal noon lamang Oktubre 16.

Haiti, Oct. 3: Ipinagbabawal ang mga volunteer sa pag-alis sa mga bansa sa Africa na tinamaan ng Ebola virus; na inilabas matapos sabihin ng United Nations na nangangalap ito ng mga volunteer para tumugon sa Ebola outbreak. Ipinagbabawal din nito ang pagpasok sa mga biyahero na nagmula sa Guinea, Liberia o Sierra Leone sa nakalipas na 28 araw. Ang mga bumisita sa apat na bansang ito sa nakalipas na mahigit 28 araw bago papayagang makapasok sa Haiti ay kailangang magpresinta ng government-certified health certificate at resulta ng blood test para sa Ebola sa kanilang pagdating.

Mauritius, Oct. 8: Ipinagbabawal ang mga biyahero na bumisita sa Nigeria, Sierra Leone, Guinea, Liberia, Senegal and Democratic Republic of Congo sa nakalipas na dalawang buwan. Inalis ang pagbabawal sa Senegal at Nigeria noong Oktubre 10 at 17, ayon sa pagkakasunod, maliban kung may sumulpot na mga bagong kaso ng Ebola roon.

Colombia, Oct. 14: Hindi pinapapasok ang mga biyahero na bumisita sa Sierra Leone, Liberia, Guinea at Nigeria sa nakalipas na apat na linggo.

St. Kitts and Nevis, Oct. 15: Ipinagbabawal ang mga bisita mula sa Liberia, Sierra Leone and Guinea. Ang mga biyahero na bumisita sa tatlong bansang ito sa nakalipas na 21 ay ipinagbabawal din.

Jamaica, Oct. 16: Ipinagbabawal ang mga banyagang dumarating mula sa Liberia, Guinea at Sierra Leone at ipinagbabawal ang mga banyaga na bumisita sa apat na bansang ito sa loob ng apat na linggo bago dumating sa Jamaica. Ang mga Jamaican na bumsita sa mga bandang ito ay kailangang i-quarantine sa loob ng 28 araw.

Antigua and Barbuda, Oct. 17: Ipinagbabawal ang mga mamamayan ng Guinea, Liberia at Sierra Leone, at ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman na dumaan sa mga bansang ito sa nakalipas na 21 days.

Belize, Oct. 18: Itinigil ang pagbibigay ng visa sa mga mamamayan ng Guinea, Liberia at Nigeria. Ang mamamayan ng Sierra Leone, na hindi kailangan ng visa para makapasok sa Belize, ay ipinagbabawal din. Ang sinumang bumisita sa alinman sa apat na bansang ito sa nakalipas na 30 araw ay hindi rin papapasukin.

Dominican Republic, Oct. 21: Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga banyaga na bumisita sa mga banda na idineklara ng World Health Organization na nasa Ebola alert sa nakalipas na 30 araw.

Suriname, Oct. 21: Ipinagbabawal ang mga hindi Surinamer na bumisita sa Sierra Leone, Guinea o Liberia sa nakalipas na 21 araw.

St. Lucia, Oct 22: Ipinagbabawal ang pagpasok ng mamamayan ng Sierra Leone at Guinea.

North Korea, Oct. 23: Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga banyagang turista sa pangamba ng pagkalat ng Ebola.

Cape Verde: Ipinagbabawal ang pagbiyahe ng non-resident foreigners na nanggaling sa Sierra Leone, Guinea o Liberia sa nakalipas na 30 araw.

Equatorial Guinea: Tinatanggihan ang pagpasok ng mga biyahero na ang mga biyahe ay nagmula sa mga bansang apektado ng Ebola.

St. Vincent and the Grenadines: Ipinagbabawal ang mga bisita mula sa Guinea, Nigeria at Sierra Leone. (Reuters)