Sarah Geronimo

INIHAYAG ng MTV na si Sarah Geronimo ang nanalo bilang Best Southeast Asia Act sa 2014 MTV EMA, ang isa sa biggest global music events of the year na kumikilala sa hottest artists sa buong mundo.

Ang 2014 MTV EMA ay ibobrodkast nang live sa MTV channels worldwide mula sa SSE Hydro sa Glasgow sa Linggo, November 9, 9:00 PM CET* (Lunes, November 10, 4:00 AM sa Pilipinas).

Ito na ang oportunidad ng singer upang siya ay iboto sa kategorya ng prestihiyosong Worldwide Act award, ang mananalo ay iaanunsyo sa 2014 MTV EMA sa Glasgow.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

May pagkakataon na si Sarah Geronimo ngayon para maiboto sa prestihiyosong Worldwide Act award category, na ang winner ay ihahayag sa 2014 MTV EMA sa Glasgow. Maaari bumoto sa mtvema.com para matulungan si Sarah na makaabante sa final round ng Worldwide Act voting bilang isa sa sampung international Worldwide Act nominees.

“Congratulations to Sarah Geronimo on becoming the 2014 MTV EMA Best Southeast Asia Act winner! From her nominations at the MTV EMA last year to this year’s Nickelodeon Kids’ Choice Awards, we knew she was a fast rising Asian star. We will continue to elevate Asian artists at international platforms, grow the awareness and appreciation of Asian music and artists for fans around the world to enjoy,” sabi ni Paras Sharma, vice president ng MTV Brand and Digital Media, Viacom International Media Networks Asia.

Ang pagboto ay binuksan nitong nakaraang Huwebes at magsasara ng 5:59 PM sa Miyerkules, October 29. Ang final list ng 10 Worldwide Act nominees ay ihahayag sa mtvema.com sa Huwebes, October 30.

Ang global hip hop superstar na si Nicki Minaj ang magsisilbing host sa 2014 MTV EMA.

Kumpirmado na ring magpe-perform sina Calvin Harris, Charli XCX, Kiesza, Royal Blood, Ariana Grande, Ed Sheeran at Nicki Minaj sa 2014 MTV EMA.