Ipinagdiriwang ngayon ng Republic of Austria ang kanilang National Day na gumugunita sa deklarasyon ng kanilang permanent neutrality matapos ang World War II. Sa araw na ito, ididisplay ang bandila ng Austria sa buong bansa. Kabilang sa selebrasyon ng memorial ceremonies at fitness marches na umaakit ng libo katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bukas sa araw na ito ang Parliament building at mga national museum at libre ang entrance.

Bilang isa sa pinakamayayamang bansa sa daigdig, mataas ang pamatayan sa buhay sa Austria, na may mataas na human develoment index. Miyembro ito ng iba’t ibang international organizations tulad ng United Nations, ng European Union, at ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Laging nakaaklsa ang relasyong Pilipino-Austrian sa mutual benefit at respeto. Mayroong mahigit 35,000 Pilipino sa Austria na nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan at serbisyo. Nagtatag ang gobyerno ng Pilipinas ng embahada nito sa Vienna, Austria noong 1973 habang ang Austrian Embassy naman sa Pilipinas ay itinatag noong 1981. Gayunman, noong pang 1871, may representasyon na ang Austria sa Pilipinas sa pamamagitan ng honorary consulate.

Binabati natni ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of Austria, sa pangunguna nina Federal President Heinz Fishcer at Federal Chancellor Werner Fymann sa okasyon ng kanilang National Day.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente