Inihayag kahapon ng Malacañang na patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang depensa ng bansa laban sa pagpasok ng Ebola virus dahil na rin sa inaasahang pag-uwi ng mga Pinoy para rito magdiwang ng Pasko.

“Inaasahan natin na madami sa kanila ang uuwi sa panahon ng Kapaskuhan. Dapat palakasin natin at paigihin natin ang sistema para tiyakin na tayo ay hindi maaapektuhan at hindi lalaganap ang nakamamatay na epidemyang ito sa ating bansa, kaya sa lahat ng larangan ay ginagawa na ng pamahalaan ang kaukulang paghahanda,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi pa niya na naghahanda na ang gobyerno sa pag-uwi ng mga peacekeeper mula sa Liberia, isa sa mga bansang apektado ng nakamamatay na Ebola. Sasailalim sa screening at quarantine ang mga ito, aniya.

“Kung may matutunton na merong sintomas ng Ebola, flu-like symptoms, agad silang dapat na i-isolate at ilagay sa proper facilities kung saan agad na matutunton ‘yung kanilang condition at mahihiwalay sila para mailayo sa panganib ang karamihan sa ating mga mamamayan,” ani Coloma.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

May 10 milyong overseas Filipino worker (OFW) sa mundo, na karamihan ay nakaugalian nang sa bansa magdiwang ng Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya.