Umaasa ang pamunuan ng 2014 MILO Little Olympics National Finals na ilang national junior records ang posibleng mabura sa isinasagawang kompetisyon sa kabuuang 13 sports sa Marikina Sports Complex and Freedom Park sa Marikina City.

Ito ang inihayag nina Milo Sports Executive Robbie De Vera at Andrew Neri, maging ng host at National Capital Regional (NCR) organizer na si Dr. Robert Milton Calo bago ang pagsisimula ng kompetisyon sa mga kabataang estudyanteng nagsipagwagi ng gintong medalya sa ginanap na eliminasyon sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region.

“We have here some athletes that have shown great talents and achieved records in the recent Palarong Pambansa. Some of them are again willing to give out their personal best with an aim now of establishing the MILO standard,” sinabi ni De Vera.

Iginiit ni De Vera na dahil sa patuloy na tumataas na kompetisyon sa mga batang kalahok ay kanilang kinalap ang pinakamabibilis na oras o record sa nakalipas na limang edisyon ng torneo upang maitakda ang standard o pamantayan sa mga pinaglalabanang sports.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Who knows, baka may maka-break ng national juniors records dito sa national finals ng MILO Little Olympics. Hindi na rin naman kasi malayo ang kanilang mga time doon sa mga measurable sprots,” pahayag ni De Vera.

Habang isinusulat ito ay kasalukuyan pang bineberipika ng technical committee ang mga resulta ng iba’t ibang laro, partikular sa athletics, swimming, basketball, football, volleyball, gymnastics, sepak takraw, chess, scrabble, table tennis, taewondo, lawn tennis at badminton.

Inaasahan din na magpapakitang husay ang mga kalahok, base sa selebrasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng MILO sa Pilipinas kung saan pipiliin ang 50 Most Outstanding Athletes. Nakapaloob sa criteria, hindi lamang ang ipakikita ng mga atleta, kundi ang maging ang kanilang karakter.

Matatandaan na marami ng Pacquiaoatleta ang nagmula sa MILO Little Olympics na siyang pinagkukunan at nagiging balon ng talento hindi lamang sa mga eskuwelahan at posibleng maging miyembro ng pambansang koponan.

Ang MILO Little Olympics ay suportado rin ng Wilson, Mikasa, Molten, Butterfly, Marathon, Smart Communications, 2Go Travel at ang City Government of Marikina kung saan ay inendorso ng Department of Education (DepEd), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).