VALENCIA, Spain (AP)– Tinalo ni Andy Murray ang topseeded na si David Ferrer, 6-4, 7-5, kahapon upang makatuntong sa final ng Valencia Open.

Dinaig ng third-seeded na si Murray, na napanalunan ang titulo rito noong 2009, si Ferrer sa kanyang sariling ground game upang mapanalunan ang karamihan sa kanilang long rallies sa indoor hard court.

Tumalon ang Briton sa maagang kalamangan sa dalawang sets nang ma-break ang first service game ng hometown favorite bago nagawang makalaban pabalik ni Ferrer mula sa 3-0 sa ikalawang set upang kunin ang 4-3 abante. Nakapag-settle down si Murray, muling na-break ang three-time champion, upang makapag-serve sa final game.

Sunod na makakaharap ni Murray si Tommy Robredo sa final ngayon makaraang talunin ng Spaniard si Frenchman Jeremy Chardy, 7-6 (7), 7-6 (2).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aakyat si Murray sa No. 5 sa rankings sakaling matalo niya si Robredo sa kanyang pagtatangkang makuwalipika para sa ATP finals.

‘’After the U.S. Open I was aware that I would need to win a lot of matches to try to reach the tour finals,’’ ani Murray. ‘’So it was important for me to try and get as many matches as I can against the top players between now and the end of the year.’’

Sina Murray at Ferrer ay nagharap din noong nakaraang linggo sa final ng Erste Bank Open na napanalunan din ni Murray.

‘’Murray served pretty well (in the) first set and I couldn’t do anything,’’ saad ni Ferrer. ‘’In the first set and part of second, he was better than me. Andy is a pretty good player. If you aren’t focused against him, you pay.’’