Handa ang pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) na ipatupad ang mga regulasyon sa mga dadalaw sa mga puntod sa Nobyembre 1 at 2.

Ito ang inihayag ni MNC Administrator Daniel Tan, sinabing handang-handa na ang pamunuan ng sementeryo, maging ang kanyang mga tauhan sa istriktong pagpapatupad ng mga patakaran kaugnay ng paggunita sa Undas.

Ayon kay Tan, Oktubre 29 ang huling paglilibing, cremation at pagpapasok ng mga sasakyan sa loob ng sementeryo, at simula sa Oktubre 30 hanggang sa Nobyembre 2 ay ipagbabawal na ang mga sasakyan sa loob ng sementeryo upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Kasabay nito, pinayuhan ni Tan ang mga dadalaw na iwasan ang pagdadala ng matatalas na bagay, mga nakalalasing na inumin at radyo na makabubulahaw sa mga nagdadasal. Pinapayuhan naman ang mga bibisita sa sementeryo na huwag magkalat at magbitbit ng sariling basurahan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigpit din ang seguridad na ipatutupad ng Manila Police District (MPD), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), City Security Force (CSF) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dalawang bagong comfort room, bukod sa mga portalet, ang itinayo sa main avenue ng Manila North Cemetery.