UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nakatakdang magsagawa ng pagtitipon ang United Nations (UN) sa Biyernes para sa ika-69 taon nitong pagkakakilanlan at makaaasa ang mga bisita na sila ay mapapahanga sa itatanghal nina Sting at Lang Lang, at si Alec Baldwin naman ang magiging punong-abala.
Si Secretary-General Ban Ki-moon ang mamahala sa nasabing selebrasyon katuwang si Sam Kutesa, presidente ng General Assembly, upang bigyang kamalayan ang mundo sa lahat ng mga naiambag at nagawa ng UN.
Kaabang-abang din ang mga artistang dadalo na maghahayag ng kanilang kampanya laban sa stunting. Ang stunting ay karamdaman na dulot ng malnutrisyon.
Ang kampanya laban sa stunting ay malaking tulong kay Indian mega-star na si Aamir Khan, na ginamit ang kanyang kakayahan upang maglingkod sa ahensya ng UNICEF bilang ambassador sa South Asia na mayroong espesyal na kondisyon, na nakaaapekto ng apat sa sampung bata sa rehiyon.
Kamakailan ay lumabas si David Beckham sa UNICEF video upang hikayatin ang mga tao sa Sierra Leone na humingi ng suportang medical at donasyon.
Ngunit ang pinakamalaking propaganda ay dumating sa UN climate summit noong nakaraang buwan, nang lumabas sa publiko ang video ni Leonardo DiCarpio na nananawagan ng pagtutulung-tulong sa pagsagip sa mundo.
Umabot sa 1.5 million ang nakapanood ng nasabing video ni DiCarpio —ang pinakamaraming bilang sa UN video — at umabot naman sa 11.3 milyon ang kanyang followers sa Twitter.
Sa kabilang banda, ang UN Twitter naman ay mayroong 3.3 milyon followers.
‘’Sometimes an issue is not on a map until a celebrity puts it on a map,’’ ani Maher Nasser, ang head ng UN’s public information department.
‘’You are talking about amplifying and giving access to people who become interested in an issue because it’s their celebrity of choice.’’
Ang mga UN officials ay nilapitan si DiCarpio dalawang taon na ang nakalilipas upang talakayin ang kampanya tungkol sa klima, dagdag ni Nasser.
Driving Web Traffic
Gayunman, ayon sa mga kritiko, sarili lamang ang iniisip ng mga artistang nag-eendorso sa kampanya ng UN upang magkaroon ng magandang imahe sa publiko bilang isang mabubuting indibidwal— malayo sa nakasanayang mundo ng kasikatan.
Ang ahensiya ng UN, UNHCR, ay naging matagumpay nang piliin nila ang Lebanese-born singer na si Maher Zain — at ang malaking bilang na aabot sa 22 milyong Facebook followers sa nakaraang paglalakbay patungo sa bansang pinagmulan upang makilala ang Syrian.
‘’The public and the media can be cynical about relationships between NGOs and celebrities that can look self-serving and PR hungry, and you need to find a balance where the people you work with have a genuine and often personal commitment to the issue,’’ ani Claire Lewis, isang pribadong consultant na naghahanap ng ‘’high-level supporters’’ para sa charities kabilang ang UN.