Halos dalawang taon pa bago sumapit ang halalan sa 2016, kapansin-pansin na ang mga ginagawa ng mga sirkero at payaso sa pulitika. Sa matinding ambisyon at hangaring tumakbo sa halalan, nakikita na ang mga mukha nila at kanilang infomercial sa telebisyon. Naroon ang ipinagmmalaki nilang mga accomplishment. May slogan pang inuusal. Gayundin ang iba pang may pangrap na maglingkod umano sa bayan. May isinasabit ng mga tarpaulin sa tapat ng simbahan, palengke at sabungan. Nasa tarpaulin ang kanilang larawan at nakasulat ang pagbati sa magaganap na malaking okasyon at iba pang pagdiriwang. Makikita na rin pumupunta sa lamay ng patay at nakikiramay sa mga kamag-anak ng namatay. Nag-aabot ng konting tulong na dati’y hindi naman nila ginagawa.

Halos magiba ang kredibilidad ni Vice President Jojo Binay sa ginagawang senate hearing ng subcommittee ng Blue Ribbon tungkol sa overpriced Makati City Hall Building 2 na ipinagawa ng Bise Presidene noong siya’y mayor pa ng MakatiCity. Sa mga nakaraang hearing sa senado ibinunyag pa ng dating vice mayor na tumatangap umano ng 13 porsiyento si VP Binay sa mga proyekto sa Makati. Nabunyag din na si VP Binay ay may hacienda sa Rosario, Batangas. Tinawag na Hacienda Binay ayon sa alegasyon. Pinasinungalingan naman ito ni VP Binay at sinabing ang may-ari ng lupa at mga property ay ang negosyanteng si Antonio Tiu. Nang imbitahan naman ang negosyante sa pagdinig sa senado sinabi nito na siya nga ang may-ari sinasabing hacienda. Hindi naman naniwala ang tatlong senador na nagsasagawa ng pagdinig sapagkat walang naipakitang titulo ng lupa.

Sa totoo man o hindi ang mga alegasyon laban kay VP Binay, marami na sa ating mga kababayan ang nagsasabing dapat siyang dumalo sa pagdinig sa Senado at Doon niya isa-isang sagutin ang mga alegason laban sa kanya at nang malaman ng sambayanan ang katotohanan. Huwag na niyang hamunin ng debate si Senador Trillanes na hindi naman siya uurungan nito. Magdebate na lamang sila kapag panahon na kampanya at eleksiyon. Ang hinihintay ng mamamayan ay ang pagdalo niya sa senate hearing at linawin ang lahat ng alegasyon laban sa kanya. Kahit may nagsasabing hindi ‘in aid of legislation’ ang ginagawang senate hearing kundi in aid of demolition pagkat kakandidato sa pagka-pangulo si VP Binay sa 2016 election.
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon