Luis & Alex

HALOS walang ginawa ang entertainment press sa presscon ng The Voice of the Philippines Season 2 kundi humalakhak sa mga pinagsasabi ni Alex Gonzaga na hindi mawari kung sinasadyang sumagot ng katawa-tawa o wala lang siyang maisagot na tama.

Panay tuloy ang sita ng Ate Toni Gonzaga niya ng, “Hayan na naman, walang sense ang mga pinagsasabi mo.”

Tinanong si Alex kung siya na ang babaeng Luis Manzano, hindi ang Ate Toni niya, dahil sila ang magka-level pagdating sa kalokohan.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

“Nag-text siya (Luis) sa akin, ‘Alam mo, sinasabi ng mga tao sa akin, ikaw raw ang female version ko,” sabi ni Alex.

“Sana minura n’yo na lang ako,” sabad ni Luis, kaya tawanan ang lahat.

Biglang nagseryoso si Alex: “Kami ni Kuya Luis, iisa lang ang utak namin. Minsan sabay kaming nagsasalita, sabay ‘yung mga hinihirit namin. So okay lang sa akin. Okay lang. Di ba may awards ka naman?” baling ng dalaga kay Luis.

“Dalawa,” sagot ni Luis.

Sabi ulit ni Alex: “Siyempre, tuwang-tuwa ako kasi bago pa ako mag-artista kaibigan ko na si Kuya Luis at never siyang nagbago. True friend.”

May pagkakataon bang na-intimidate si Alex kay Luis Manzano?

“Kapag iisipin mo talaga, ang mga achievements niya talagang nakaka-intimidate. Pero ‘pag katrabaho mo si Kuya Luis, never mong mararamdaman ‘yun, never niyang ipa-feel na, ‘Mataas ako, ‘eto na ‘yung napatunayan ko’.

“Parang ipapa-feel niya sa iyo na pareho lang tayo. Ang sarap niyang katrabaho. ‘Tapos ‘pag mahihirap, ibinibigay ko sa kanya. Mai-intimidate ka nga sa kanya kasi nga royalty si Kuya Luis ‘tapos ‘yung achievement niya. Pero kapag kasama mo siya, mawawala ‘yun sa isip mo kasi the way he treats people,” may lamang sagot ng bunso nina Mommy Pinty at Daddy Carlito.

E, sa Ate Toni niya, intimidate ba si Alex?

“Sa ate ko kasi, what’s good with my ate is she always shares everything with me. Hindi ako… sige, aaminin ko, nai-intimidate ako. Mas gusto kong kasama ko si Kuya Luis. Kasi ang ate ko masyado siyang perfectionist. Pero kapag nakikita niyang nagkakaproblema na ako, ‘to… enter na siya.

“Gusto lang naman niyang i-bring out ang best ko. So naa-appreciate ko naman ‘yun,” paliwanag ng dalaga habang nakatingin si Toni.

Marami pang kalokohang pinagkukuwento si Alex sa nasabing presscon, pero sa susunod na araw na dahil kulang na sa espasyo.

Mapapanood na simula ngayong 8:30 ng gabi ang The Voice of the Philippines Season 2 kasama sina Lea Salonga, Bamboo, Sarah Geronimo at Apl de Ap as coaches, sa ABS-CBN.