NUEVA ECIJA – Inihayag ng pangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA) na tatamaan ng matinding tagtuyot o El Niño phenomenon ang Luzon.

Dahil dito, nananawagan si NIA Administrator Florencio Padernal sa mga lokal na opisyal ng gobyerno na ipatupad ang mga plano para matulungan ang mga magsasaka, partikular sa maaapektuhang apat na siyudad at 23 bayan, na simulan nang mag-imbak ng tubig para sa kanilang mga bukid at gamitin ito nang maayos at iwasang mag-aksaya, gayundin ang harangan ang mga irrigation canal.

Sa NE Water Summit kamakailan sa Palayan City na dinaluhan ng mga lokal na opisyal, mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA), Irrigators' Association, pribadong sektor at non-governmental organization, sinabi ni NIA-UPRIIS Department Manager Engr. Reynaldo Puno na nananatili sa 183 meters above sea level ang Pantabangan Dam.

Maaapektuhan ng mahabang tagtuyot ang 12 ektaryang bukirin sa Cabanatuan City, Gapan City, Science City of Munoz, at San Jose City, gayundin sa mga bayan ng Aliaga, Cabiao, Gen. Natividad, Guimba, Jaen, Llanera, Licab, Lupao, Quezon, San Leonardo, San Antonio, San Isidro, Sto. Domingo, Talavera, Talugtog at Zaragoza.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naniniwala naman si Gov. Aurelio "0yie" Matias Umali na malaki ang magiging epekto ng tagtuyot sa seguridad ng pagkain sa bansa, dahil ang Nueva Ecija ay ikinokonsiderang "Rice Granary of the Philippines".

“Kaya kapag hindi ma-maintain 'yung 210 meters abover sea level na water elevation ng Pantabangan Dam ay posibleng umabot sa 30% ng 119,224 ektaryang sineserbisyuhan ng NIA-UPRIIS ang patutubigan,” ani Umali.