SAN LUIS, Batangas – Nasawi ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang opisyal ng pulisya matapos umanong manlaban sa mga pulis nang tangkain siyang arestuhin ng mga ito sa San Luis, Batangas.

Ayon sa report ni Insp. Hazel Lumaang, information officer ng Batangas Police Provincial Office, ikapitong most wanted sa San Luis si Socrates Magsombol, 30 anyos.

Bandang 3:20 ng hapon noong Oktubre 21 nang matiyempuhan ng mga pulis si Magsombol habang kumakain ng barbeque sa isang bahay sa Barangay Manggahan.

Sa halip na sumuko, tumakbo umano ang suspek nang makita ang mga pulis at nagpaputok pa umano ng baril kaya nagkaroon ng sagupaan.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Isa si Magsombol sa mga suspek sa pagpatay kay Supt. Rodney Ramirez sa Lemery, Batangas noong 2011.

Nabawi mula sa suspek ang isang granada, .38 caliber pistol at mga bala.