Steve Nash, Mo Williams

LOS ANGELES (AP)– Na-rule out para sa season si Los Angeles Lakers guard Steve Nash dahil sa back injury, naglagay sa career ng two-time NBA MVP sa alanganin.

Inanunsiyo ng Lakers at ni Nash ang kanilang joint decision kahapon, kulang isang linggo bago ang umpisa ng dapat sana ay ika-19 NBA season ng 40-anyos na si Nash. Siya ay naglaro sa 15 laro lamang noong nakaraang season dahil sa nerve root irritation, at nakatuon sa isang comeback season makaraan ang ilang buwan ng rehabilitasyon.

Sa halip ay tatlong preseason games ang sinabakan ng Canadian point guard bago nakaramdam ng muling pananakit sa likod. Mas lumala ito habang nagbubuhat ng bagahe ilang araw ang nakararaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

‘’Being on the court this season has been my top priority, and it is disappointing to not be able to do that right now,’’ saad ni Nash. ‘’I work very hard to stay healthy, and unfortunately my recent setback makes performing at full capacity difficult. I will continue to support my team during this period of rest, and will focus on my long-term health.’’

Magpopokus si Nash “on rest and rehabilitation,” ayon sa news release ng koponan. Siya ay nasa huling season ng kanyang three-year contract sa Lakers, ngunit ang anunsiyo ng koponan ay walang nabanggit tungkol sa kanyang posibleng pagreretiro.

Sa 65 laro lamang sumabak si Nash mula nang magbigay ng apat na draft picks ang Lakers para sa kanya noong 2012 sa nabigong pagtatangka na makabuo ng title contender na nakapalibot kina Kobe Bryant, Dwight Howard, Pau Gasol at Nash. Si Nash, ang pinakamatandang aktibong manlalaro sa NBA, ay nakatakdang tumanggap ng may $9-milyon ngayong season.

‘’As disappointed as we are for ourselves and our fans, we’re even more disappointed for Steve,’’ lahad ni Lakers general manager Mitch Kupchak. ‘’We know how hard he’s worked the last two years to try to get his body right for the rigors of the NBA, and how badly he wants to play, but unfortunately he simply hasn’t been able to get there up to this point in time. Steve has been a consummate professional, and we greatly appreciate his efforts.’’

Si Nash ang greatest player sa Canadian history at isa sa pinakakumpletong offensive guards sa kanyang henerasyon.

Siya ang ikatlo sa career assists list ng NBA, nasa likuran nina John Stockton at Jason Kidd. Si Nash din ang most accurate free throw shooter sa kasaysayan ng NBA sa 90.4 porsiyento.