HONG KONG (Reuters)— Lumikha ang mga nagpoprotesta sa Hong Kong ng isang self-sustaining village sa loob ng isang buwan ng kanilang panawagan para sa demokrasya, nagtayo ng mga changing room, tent for hire, study area, first-aid station at maging sariling security patrol sa kanilang paghahanda sa mahabang kampanya.

Nagsimula bilang mga mabilisang barikada laban sa pepper spray at tear gas ng mga pulis, na umaasa lamang sa cling film at mga payong, ito ngayon ay naging mga fully fledged campus na may carpeted na hagdanan, water cooler, WiFi at generator para sa mga mobile phones, desk lamp at amplifier.

“It’s instant architecture. We are just improvising,” sabi ng 31-anyos na artist na si George Wong.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente