Ang Philippine Military Academy (PMA), ang premyadong institusyon ng militar ng bansa na nagsasanay at naghahanda sa mga bata at talentadong Pilipino – at nitong mga huling taon, pati na ang mga Pilipina, - para ilista sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ay nagdirigang ng kanilang ika-116 anibersryo ngayong Oktubre 25. Ang kanilang misyon: Bigyan ng panuto, sanayin, at idebelop ang mga kadete upang magtaglay sila ng karakter, ng kahusayang pangmilitar, at edukasyon na mahalaga sa pagtupad ng isang progresibong karera sa militar, na ginagabayan ng motto na “Katapangan, Karangalan, Katapatan”.

Ang makabago, high-tech na pasilidad at imprastraktura ng PMA ay nagkakaloob sa mga elite Corps of Cadete ng isang kaaya-ayang learning environment para sa matinding apat na taon na techno-scientific curriculum na dinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng lumalagong AFP. Noong 1993, ang PMA ay naging iang “tri-service academy” na may specialized, branch-of-service courses nitong huling dalawang taon sa institusyon, na nagsasanay sa mga kadete na maging field-, fleet- o squadron-ready, para ikomisyon sa kahit saan sa tatlong pangunahing sangay ng paglilingkod ng AFP - sa Philippine Army, sa Philippine Air Force, at sa Philippine Navy. Isinabatas ang Republic Act 7192 (Women in Development and Nation Building Act) noong 1993, na nagbigay-daan sa mga babaeng kadete na pumasok sa PMA, tulad ng mga military school sa Amerika. Karamihan sa mga pangunahing opisyal ng militar at pulisya ng bansa ay mga nagtapos sa PMA. Sa pagiging PMA graduate, taglay ang katanyagan at karangalan.

Mayaman sa kasaysayan ang PMA, pati na sa tradisyon at karangyaan. Matatagpuan sa 373 ektaryeng Fort Gregorio Del Pilar sa Loakan, Baguio City, ipinangalan sa isang bayani ng Battle of Tirad Pass, ito ay kasama sa mga pinupuntahan ng mga turista sa Baguio City at pinanonood ang husay ng mga Corps of Cadets sa pagmamartsa, hinahangaan ang PMA museum, at pinapasyalan ang mga hardin kung saan naka-display ang mga lumang tangke at historical military weaponry.

Unang itinatag ang PMA bilang Academia Militar noong Oktubre 25, 1898, sa unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng kapangyarihan ni General Emilio F. Aquinaldo sa Malolos, Bulacan, at kalaunan bilang Officers’ School of the Philippine Constabulary noong Pebrero 17, 1905, sa Intramuros, Manila. Noong Setyembre 1, 1908, inilipat ang paaralan sa Camp Hentry T. Allen, sa Baguio City. Noong Setyembre 8, 1926, nagpasa ang Philippine Legislature ng Act No. 3496 na nagpapalit ng pangalan nito sa Philippine Constabulary Academy.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Noong Disyembre 21, 1935, muling pinangalanan itong Philippine Military Academy sa bisa ng Commonwealth Act No. 1, ang National Defense Act, at pinahintulutang maggawad ng Bachelor of Science degree. Noong 1936, inilipat ito sa Teachers’ Camp, at kalaunan nagbalik sa Camp Allen hanggang sumiklab ang World War II noong 1941. Lumipat uli ito noong 1950 sa permanenten nitong tahanan sa Fort Del Pilar.