Limang medalyang pilak at limang tanso na ang maiuuwi ng Philippine Sports Association for the Differently Abled—National Paralympic Committee of the Philippines (PhilSPADA-NPC Philippines) sa ginaganap na 2nd Asian Para Games sa Incheon, Korea.

Ito ay matapos na dumagdag ang siklista na si Arthus Bucay sa pagsungkit ng tansong medalya sa ginanap na Asian Para Games Men’s Individual C 4-5 Road Race sa likuran ng dalawang Chinese riders.

Naorasan si Bucay ng 2 oras, 10 minuto at 29 segundo na napagiwanan lamang ng tatlong segundo nina Wie at Liue ng China. Ikapito naman si Godfrey Taberna na naiwanan ng 4 minuto at 22 segundo.

Ang mga nagsipagwagi ng tanso ay sina Marites Burce sa athletics (Women’s Discus Throw - F52/53/54), Achelle Guion (Women’s -45kg) at Adeline Ancheta (Women’s +86kg) sa powerlifting,

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Ang dalawang iba pang nakapagbulsa ng medalyang pilak ay ang Wheelchair Dance Sport - Combi Latin Class 2 mula sa pares nina Julius Jun Obero at Rochelle Canoy habang hinablot din ng Pilipinas ang unang medalya sa tenpin bowling mixed double (TPB 9/10 + TPB 9/10) mula kina Kim Ian Chi at Samuel Matias.

Ang apat na iba pang tanso, maliban kay Bucay, ay ang tatlo ni Ernie Gawilan sa Men’s 100m Freestyle S8, Men’s 400m Freestyle S8 at Men’s 200m Individual Medley SM8 habang isa kay Josephine Medina sa table tennis women’s single - TT8.