Paulit-ulit ang pagsusumamo kay Presidente Aquino ng iba’t ibang grupo upang pagkalooban ng executive clemency ang mga bilanggo na may sakit, matatanda na, maralita at pinabayaan na ng kanikanilang pamilya at kamag-anak. Ang kanilang pakiusap sa Pangulo, tulad ng pagbibigay-diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay nakaangkla sa makataong kadahilanan para sa naturang mga preso na malaon nang nagdurusa sa mga bilangguan.

Ang kahilingan ng CBCP ay nakatuon sa tinatawag na VISO (visitor-less, indigent, sick and old) na kinabibilangan ng 400 preso. Ang 40 sa mga ito ay inirekomenda na ng Board of Pardons and Parole upang mabigyan ng executive clemency. At ito ay ipinadala na sa Office of the President.

Hindi lamang CBCP ang paulitulit at halos manik-luhod sa Pangulo upang rebisahin ang kalagayan ng mga bilanggo na marapat nang gawaran ng kapatawaran. Nagmamalasakit din ang organisasyong nagtatanggol sa mga karapatang pantao at iba pang grupong pangrelihiyon upang isaalang-alang ang kalagayan ng mga bilanggo na matagal nang nakakulong subalit hindi pa nasesentensiyahan. Sinasabi na sa 114,368 bilanggo sa pangangasiwa ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) at sa Bureau of Correction (BuCor), 65 porsyento ang nakabilanggo subalit hindi pa nahahatulan.

Sa bahaging ito ay nalantad ang kahinaan ng pagpapatupad ng ating justice system. Maraming pagkakataon na ang mga akusado sa iba’t ibang krimen ay nalaon nang nagdurusa sa mga bilibid dahil sa kabagalan ng pagusad ng katarungan. Isang halimbawa rito ang kakila-kilabot na Maguindanao massacre na hanggang ngayon ay nililitis pa sa mga hukuman. Bunga nito, ang kahabag-habag na pagpaslang sa ating mga kapatid sa media ay mistulang nasa balag pa ng alanganin, wika nga. Bagama’t nakakulong ang ibang mga suspect, ang mga biktima ay nawawalan na ng pag-asa na magtamo ng hustisya.

National

Pamumuno ni Trump sa US, malaking peligro sa national interest ng PH – Maza

Ang nabanggit na pagsusumamo ay sapat nang panggising sa administrasyon, lalo na sa Hudikatura, upang pabilisin ang katarungan at paigtingin ang ating justice system.