GERONA, Tarlac - Pansamantalang nakapiit sa himpilan ng Gerona Police ang isang binata makaraang magbenta ng isang nakaw na motorized tricycle sa Barangay Salapungan, Martes ng gabi.

Nabawi ang tricycle mula kay Renato Bagares, 20, binata, ng Bgy. Aguso, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Kristoffer Zulueta, ang ninakaw na tricycle ay pagaari ni Alvin Sembrano, 35, may asawa, ng Villa Soliman, Bgy. Salapungan, Tarlac City.

Bandang 6:00 ng gabi nang dinala ng suspek ang tricycle sa nasabing lugar para ibenta sa ilang residente.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Dahil sa plate number (RS-5761), nakilala ng isang Violy Macatangay ang tricycle at sinabing pag-aari ito ni Sembrano, na kaanak ni Macatangay.