Luis Manzano

SA season one ng The Voice of the Philippines ay nagkakatawanan pa sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga kapag hindi sila ang napipili ng contestants na gusto nilang mapunta sa team nila. Pero sa season two, na magsisimula bukas, 8:30 ng gabi, tiyak na mag-aaway na sila dahil sa bagong set-up.

Kuwento ng mga host na sina Luis Manzano, Robi Domingo, Alex Gonzaga at Toni Gonzaga, puwede nang agawin ang contestant na napili ng ibang coach, kaya tiyak na exciting at talakan ito on-air.

Bukod dito, mas pinalaki pa ang The Voice of the Philippines season two dahil mas maraming magagaling at mas pinalawak kaya idinagdag din daw si Luis na originally ay wala sa season one.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nagbiro naman si Luis na idinagdag siya dahil sobrang taas ng ratings ng The Voice Kids Season 1 at makakatulong daw siya sa season two bagay na sinang-yunan naman ni Alex nakatandem niya sa TVKS1.

“Kung kailangan mong palakihin, pabonggahin, e, kailangan ng Luis Manzano,” sabi ni Toni.

“Kapag medyo mahihirap (ang spiels) ipapasa lang namin sa kanya,” salo naman ni Alex.

Ang gagawin ni Toni bilang main host, siya ang bahala sa blind auditions sa studio samantalang si Luis naman ang in-charge sa back story ng contestants na kailangang puntahan sa mga probinsiya sa buong Pilipinas.

”Iba-iba ang highlights namin kasi ngayon iba-ibang grupo na, may spiels na kaya kailangan talagang magdagdag at ang bago sa season two, bigger, better, mas stronger ‘yung mga bagong contestants, mas malalaki ang boses nila, mas magagaling, mas pinaganda, mas exciting,” paliwanag ni Toni.

Magugulat daw ang televiewers dahil ang ilan sa contestants ay anak ng pulitiko, babaeng pulis, naglalako sa bus, wake boarding player, nurse, zumba instructor, chemist at dating recording artist.

Ang papel naman nina Robi at Alex ay, “like the past season, we’re the V- reporters, handles the online at saka ‘yung foyer sa blind auditions, usually kasi bago pumasok sa entablado ng blind auditions kakausapin muna sila kung ano ‘yung nararamdaman nila about the whole experience, sino ‘yung coach na gusto nilang piliin, and afterwards, kung may mga interesting na stories, may mga post interview after the blind auditions,” say ng boyfriend ni Gretchen Ho.

Sabi naman ni Alex, “Basta anything about online like Twitter, social media, kami ang bahala ni Robi ro’n. Every Sunday makakasama kami sa live streaming ng The Voice.”

Sa kulitan interview sa hosts ay natanong si Toni tungkol sa pagbasted niya kay Luis noong nanligaw sa kanya.

“Ano ba ‘yun, si Luis we have grown as friends through the years, natutuwa ako kasi si Luis, noong una ko pa lang siya nakilala, ito ang tao na gusto kong manatili sa buhay ko na pangmatagalan na kaibigan ko.

“Usually kasi kapag nagiging magon ang dalawang tao tapos nag-break kasi hindi nag-work ‘yung relationship, nawawalan ng friendship. Eh, masarap talagang maging kaibigan si Luis. Ibang klaseng maging kaibigan si Luis, masuwerte na nga si Luis ngayon, may anghel na sa buhay niya,” sabi ng TV host/actress/singer.

Pabiro namang sinabi ni Luis (halfmeant?) na bumili siya ng lupa sa Taytay, Rizal para mapalapit kay Toni..

Natanong din si Luis kung kailan niya planong mag-propose kay Angel Locsin.

“I want it to be as organic, as natural as possible, and walang outside forces or external factors that will push me through to propose,” sabi ng binata. “If ever I will propose to Angel it’s not because of anything but our love. Napag-uusapan namin. When we had our first date when we got back together, we had a simple dinner and we were talking about the future.”

Tungkol naman sa pagpasok niya sa pulitika, “I’ve been talking to few people, I’ve been consulting the right people. No one is influencing me or telling me not to pero, I still have to make-up my mind very soon. May one month pa ako before my initial deadline.”